Republika ng Pilipinas
Division of Pampanga
Bro. Andrew Gonzalez Technical High School
San Juan, Apalit
Pampanga
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10
Aralin 2: Mga Isyu sa Kasarian at
Lipunan
I.
Layunin
a. Natutukoy ang konsepto o kahulugan ng
diskriminasyon
b. Nakapaglalahad ng mga
saloobin tungkol sa mga pangyayari na nagpapakita ng diskriminasyon sa kasarian
c. Nakagagawa ng (slogan,
awit, at tula) na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian upang maitaguyod ang pagkapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan
II.
Paksang Aralin
a. Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT
b.
Sanggunian: * Kontemporaryong
Isyu (Gabay ng Guro) pah. 265-293
* Kontemporaryong Isyu (Modyul
Para sa Mag-aaral) pah. 285-293
c.
Mga Kagamitan:
LCD Projector Mga Larawan
Pisara Visual
Aids (gallery)
Powerpoint
Presentation Internet
(google.com)
III.
Pamamaraan
a. Paunang Gawain
i.
Panalangin
ii.
Pagbati
iii.
Pagtatala ng liban
iv.
Pagsisiyasat sa Kapaligiran
v.
Balitaan
b. Pagbabalik-aral
Ang nakaraang paksa ay ang “Gender
Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo”. Itanong ang: “Sa kabila ng iba’t bang
pagtingin sa mga lalaki, babae at LGBT, gaano kahalaga ang pagkakaroon ng
respeto sa isa’t isa?”
c. Pag-ganyak
Gawain: Opinyon Mo,
Sabihin Mo!
Hahatiin
ang klase sa 3 pangkat. Magpapakita ng mga sitwasyon o larawan na may kinalaman
sa diskriminasyon sa kasarian ng tao (kababaihan, kalalakihan, at LGBT). Ang
mga mag-aaral ay malayang mailalahad ang kanilang opinyon base sa nakita nilang
sitwasyon. Isa hanggang dalawang miyembro ang maaaring sumagot sa napuntang
sitwasyon sakanila.
Sitwasyon 1:” Malungkot
ang in-laws at asawa ko dahil babae ang magiging anak ko” - babae
Sitwasyon 2:
“Gusto ko ng sumuko, hindi sila tumatanggap ng gurong lalaki sa inaplayan kong
paaralan, ang hinahanap daw nila ay babae” –lalaki
Sitwasyon 3:
“Nakakagigil! Gusto naming mag-night out dahil araw ng sahod ngayon, pero hindi
kami pinapasok sa bar na gusto namin. ‘Di raw sila nagpapapasok ng LGBT”
huhuhu… –LGBT(gay)
Mga Gabay na Tanong
1. Tungkol
saan ang sitwasyon o larawan?
2. Bakit
ito nangyayari?
3. Pantay
ba ang pagtingin o pagtrato sa mga kababaihan, kalalakihan o LGBT sa ating
lipunan?
Gawain ng Guro
|
Gawain ng Mag-aaral
|
||||||||
d.PAGTATALAKAY
San Pedro ano
kaya sa tingin nyo ang magiging paksa natin base sa mga larawan/sitwasyon na
pinakita at tinalakay natin?
Tama! Pag-aaralan
natin ngayon ay Diskriminasyon ngunit tayo ay magpopokus particular sa
Diskriminasyon na kinakaharap ng babae, lalake at LGBT o diskriminasyon sa
kasarian.
Ang bawat pangkat
ay pupunta sa tatlong istasyon o gallery na nasa loob ng silid-aralan.
Bibigyan ng 3 minuto ang bawat pangkat para sa pagbisita sa bawat gallery
upang unawain o pag-aralan ang nilalaman ng mga ito. Matapos, ay bibigyan
naman sila ng 3 minuto para sa kanilang brainstorming.
´
Gallery 1. Konsepto ng
Diskriminasyon
´
Gallery 2. Mga Kilalang
Personalidad sa Iba’t ibang Larangan
´
Gallery 3. Si Malala Yousafzai
at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan
Okay! San Pedro
matapos nyong tignan ang mga gallery ay atin naman itong talakayin.
Umpisahan natin
sa nilalaman ng Gallery 1
Ano ang
Diskriminasyon?
Magaling! Ito ang anumang pag-uuri ekslusyon, o restriksyon batay sa
kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hind pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
Bakit nangyayari ang diskriminasyon?
Mahusay! May ibat ibang dahilan kung bakit may diskriminasyon, katulad
ng kapansanan, relihiyon, kulay at ngayon ang tatalakayin natin kasarian.
Nakaranas kana ba ng diskriminasyon? Ano ang naramdaman mo?
Hindi talaga natin maiiwasan ang malungkot o magalit kung tayo ay
nakaranas ng diskriminasyon ngunit dapat ay tayo ay maging malakas at labanan
natin ang diskriminasyon na kinakaharap natin dahil lahat tayo ay may
karapatan at tayo ay pantay pantay lamang.
Bago tayo tumungo sa susunod na tanong ay may ipapakita muna akong
maikling video o balita mula sa 24Oras.
Sino ang nakaranas ng diskriminasyon sa video/balita, ito ba ay
lalaki, babae o LGBT?
Tama! Patunay na may mga tao talagang nakakaranas ng diskriminasyon.
Ano- ano ang maaring maging epekto ng diskriminasyon sa isang tao?
Tama! Maraming masamang epekto ang maaring makaharap ng taong
nakakaranas ng diskriminasyon
Katulad nga ng sinabi mo ay pagiging depressed, mababa ang kumpyansa
sa sarili at ang malala pa ay maaring maisip nito na kitilin ang sarili nitong
buhay.
Okay San Pedro talakayin naman natin ang Gallery 2
Sino si Malala Yousafzai?
Magaling! Si Malala Yousafzai ay isang batang babae na pinaglaban ang
mga karapatan ng mga kababaihan lalong-lalo na ang pagkakaroon ng
pagkapantay-pantay na pagtatamo ng edukasyon sa bansang Pakistan.
Ano ang kanyang ipinaglaban na nagresulta sa pagbaril sa kanya ng mga
Taliban?
Tama! Mahusay.
Ikaw, bilang magaaral, ano ang aral na maari mong makuha sa buhay ni
Malala?
Mahusay! Dapat natin ipaglaban ang ating mga karapatan bilang tao
dahil lahat tayo ay pantay pantay lamang.
Okay! San Pedro dumako naman tayo sa Gallery 3
Sinu-sino ang mga nasa larawan? Kilala mo ba sila?
Bakit sila naging tanyag o kilala sa lipunan?
Mahusay! Sila ay tanyag sa kani-kanilang larangan.
Dapat bang maging batayan ang kasarian upang maging matagumpay sa
buhay? Ipaliwanag
Magaling! Hindi kailanman dapat na maging batayan ang kasarian upang
maging matagumpay sa buhay sabi nyo nga nasa pagsisikap at pagtyatyaga lamang
ito.
e.
PAGLALAHAT/PAGLALAGOM
Class, ilang
pagtatapos ng ating talakayan gusto kong pakingan nyo ang awit na pinamagatan
“Equality is coming around”
Ano sa tingin ninyo ang gustong
ipahiwatig ng sumulat at kumanta sa inyong napakinggan?
Magaling!
f. PAGLALAPAT
Okay class ngayon
naman ay magkakaroon kayo ng performance task na inyong i-pepresent sa
harapan ng klase pagkatapos ng 5 minuto. Ang inyong gagawin ay ibase ninyo sa
ating naging talakayan kanina. (Pagtangap at pagkapantay-pantay sa anumang
kasarian) May tig 2 minuto ang bawat grupo sa pagpepresent.
Pangat 1- Tula
Pangat 2- Slogan
Pangat 3- Awit
Narito ang
rubriks sa inyong gagwin.
|
Sir! Patungkol po
ito sa Diskriminasyon.
Sir eto po yung
hindi pantay na pagtingin sa ibang tao at hindi po pagtrato ng maganda dahil
sa ibang kaibahan po ng kanilang katangingan kumpara sa ibang tao.
Sir dahil po ang
mga tao ay laging napupuna kung ano po yung kaibahan ng ibang tao at kung ano
po yung kanilang mga kahinaan.
Opo sir nakaranas
napo ako. Ako po ay nalungkot at bumaba ang aking pagtingin sa sarili.
LGBT po Sir!
Sir! Maari pong
maging mababa ang tingin ng isang tao sa kanyang sarili na pwede pong maging
dahilan ng pagiging depressed.
Sir siya po yung
babaeng pinaglaban po nya ang karapatan po na magaral ang mga kababaihan.
Sir! Pinaglaban
po ni Malala ang karapatan na mag-aral ng mga kababaihan sa Pakistan.
Sir natutunan kupong
maging matapang upang maipaglaban kupo ang aking mga karapatan.
Sir Ellen
Degeneres po, Tim Cook, Charice Pempengco, Charo Santos Concio, Marilyn
Hewson, Anderson Cooper, Parker Undersen, Geraldine Roman, Ranton Remoto.
Sir kasi po may
mga kanya kanya po silang talento sa kabila po ng kanilang kasarian ay
nagtagumpay po sila.
Sir HINDI po kasi
po lahat po tayo ng tao ay may kakayahang maging matagumpay kung magsisipag
lang tayo at magtatyaga.
Sir pinapakita po
nung kanta yung pagkapantay pantay!
(I-pepresent ng
bawat grupo ang kani-kanilang gawa)
|
IV- PAGTATAYA
Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. (5 pangungusap)
1.
Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng
pagkapantay-pantay sa lipunan ano man ang iyong kasarian?
2.
Bilang mag-aaral, paano ka
makakatulong upang masugpo ang diskriminasyon sa kasarian?
V- TAKDANG ARALIN
Sagutin ang mga
sumusunod:
1.
Magsaliksik ng mga halimbawa tungkol
sa karahasan na kinakaharap ng mga
lalake, babae at LGBT.
Babae:
1.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Lalake:
1.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
LGBT:
1.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Sagutin ang mga
sumusunod na tanong. (3 pangungusap)
1.
Ano ano ang ibat-ibang karahasan
na kinakaharap ng Lalake, Babae, LGBT?
2.
Bilang isang magaaral paano ka
makaktulong sa pagsugpo ng karahasan?
3.
Magbigay ng 3 batas na may
kinalaman sa paglaban sa karahasan.
Inihanda ni: Pinagtibay
nina:
KENNETH M. CASTRO JAYSON M. FLORES
BSEd - Social Studies Principal
II
CYNTHIA D. CANLAS
Head
Teacher
LEAH MENESES
AP
Leader
RHEA JOY I. ARCILLA
Cooperating
Teacher
DISKRIMINASON
TALAMBUHAY NI MALALA YUZAFZAI
SOME PARTS OF THE POWER POINT PRESENTATION
REFLECTION
This lesson plan is the hardest, I can say. This is what I
used during my final demonstration. So, I really pay attention and give time on
this lesson plan. This lesson plan went through a lot. A lot of teachers, and a
lot of revisions. There are a lot of teachers who helped me with this lesson
plan, they make sure that they checked every single detail of this lesson plan
so that explain why there are a lot of revision. But however, I enjoyed doing
this because the time im doing this is the time I see how many teachers are
willing to help me just to ace this lesson plan.
nice lesson plan! it was a great help thank you Sir
ReplyDelete